Kuto D, Stupido at ang Panimulang Bati. [Chapter 1]
Ako po si Kuto D, Stupido… at eto ang aking kwento.
Isang araw, ako po ay gumising ng maaga upang pumasok sa unang araw ng klase… at meron po akong nasalubong na magandang babae… “Hi Mis Byutipul~ !” bati ni kuto sa magandang babae, “Hello totoy!” sagot naman sa kanya. Nainis si Kuto at sinabing “Gagu ka pala eh, di na ako totoy.” at sumagot naman ang babae “Wat di hik r u paking siying? Sinu nanay mu!” pagalit na sinabi ng babae.
Tumabok si Kuto at binato ng malaking bato ang babae at sinabing “ULUL! GAGU! PUTANG INA MU!”…
Si Kuto ay nakarating sa kanyang eskwela ng maaga at pumila sa unahan ng linya para sa kanyang section… Nakakita si Kuto ng magandang Teacher at sinabing “Elow Mam, Kayo po ba ang adbaysir ko?”, Sagot ng magandang Teacher “Principal ako gago.”, Sagot naman ni Kuto “Ah ok putang ina mo.”…
Nagalit ang principal kaya naman binago nito ang section ni Kuto papunta sa pinakamababang section para sa grade 4, ang pangalan na kanyang bagong section ay “13″. Dahil base sa numero ang kanilang mga section.
Pumila si Kuto at walang pakialam sa nangyari… habang tinitignan ng kanyang mga kaklase habang papunta sa kanirang classroom, nagbubulungan ang mga ito. at may narinig si Kuto na nagsabing “Ano kaya pangalan nya? Bakit kaya ganun sya sumagot sa mga Teacher?”. At sumigaw si kuto “MAY NIM IS KUTU DI ISTUPIDO N AYM SEX YIRS ULD! ANY KWEYSTUNE?”… Natulala ang kanyang mga kaklase at pumapalpak. “Ano ibigsabihin nun?” sagot ng kanyang mga stupidong kaklase, “Di nyo alam? Inglis yun at tinuru sakin ng nanay ko yun para daw pag tinanung pangalan ko.” sagot ni Kuto.
“Anggaling naman pala ng nanay mo noh? Galing mag English!” sabi ng kanyang mga kaklase… Nakarating sila sa kanilang classroom ng mapayapa at…
“Whos that pokemon!?” sabi ni kuto sa kanyang nakitang guro, Ay oo nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit alam ni kuto yung “Whos that pokemon?” eh eto… balikan natin ang nangyari…
*Habang nanonood si kuto ng pokemon sa GMA7*
Kuto: Nay, Anong ibigsabihin ng Whos that pokemon?
Nanay: Aah, yun ba. Ibigsabihin nun “Sino ka?”.
Kuto: Aah. dami kong natututunan dito sa GMA ah.
Nanay: Heheh, sige anak manood ka lang nyan at matuto ka ng maraming bagay.
…yun ang nangyari. bulamik naman tayo ulit kay Kuto.
“ABA!” Sagot ng teacher, “Ikaw yung binato ko kanina ah!? Anong ginagawa mo dito gago?” Sagot ni kuto…
Abangang ang susunod na kabanata…